Matt and Cath | Same-Day-Edit – Arocarría
“Saksi ang Panginoon at lahat ng taong nandito, na hindi magbabago yung pangako ko. Mula sa araw na to, simula pa nung una kitang nakilala, mamahalin kita hanggang may langit, sinta.” – Matt
“Might be the end game for others, but this is a new beginning for us.” – Cath
Pag-ibig na matatag at nagtagal ng labindalawang taon. Ngayon, sa wakas ay magsisimula na ang bagong kabanata ng buhay ni Matt at Cath. Sa bawat sandali ng kanilang pag-iisang dibdib, saksi ang Panginoon at lahat ng taong nakapalibot sa kanila. Mula sa bawat pangako hanggang sa mga ngiti’t halik, hindi matutumbasan ng anumang salita.
Salamat sa tiwala at pagkakataong maging bahagi ng inyong kasaysayan. Magpakailanman, magkasama kayong maglalakbay tungo sa mas magandang bukas. 🥰